yoko


Nasayang ang maghapon
Ano ang napala
Basura sa utak
Sunburn sa batok at noo
Nagmamartsang parang gago
Sa ilalim ng araw
Baril na kahoy
Pinapaikut-ikot parang langaw


Paano irerespeto opiser na bobo
Puro "demit kadit!"
Natutulili na ako
Parang tooth decay
Patakarang walang silbi
Minsan gusto ko nang sumali
Sa NPA and blow dem shit away!

Tigilan na'tong gobyerno
Di ko na kailangan ng pang-aabuso niyo
Ginagawa kang papet
Papet ng army/military
Ayoko na (yoko na, yoko na, yoko na,
yoko nang) mag-CMT!

Sistemang paulit-ulit masyadong makulit
Mukha ka pang niyog sa generic na gupit
"Stik tu da wol bot op yu tir
dont aybol mi in da ay
Drap gib mi handred en ten
tuntung kanan sabay-sabay!"
Gastos lang 'tong uniporme
Pakikilalaman mula kuko hanggang bigote
Amoy glo ka na sa kintab at dulas
Putik at pawis ka na paglabas