walang nagbago


Nung ikaw ay bata pa

Ang lahat ay masaya

Umiikot ang mundo

At hindi humihinto

ang lahat ng makita mo ay bago

 

At ngayon may edad ka na

At lunod sa prublema

Nangangarap na ibalik ang kahapon

Hindi mo malaman kung bakit

Kailangang magbago ang lahat

Magbago ang lahat

Magbago ang lahat sa buhay mo

 

Umaaraw, umuulan

Noon pa ma'y sadyang ganyan

At kung ngayon lahat ng panaginip mo'y biglang naglaho

Pare-pareho lamang tayo

Isipin mong walang nagbago

 

Kung ano tayo noon

Ay gano'n pa rin ngayon

Umiikot ang mundo

At hindi humihinto

Ngunit ang kalagayan mo ay hindi nagbabago

Hindi nagbabago

Hindi nagbabago...woh...

 

Walang nagbago (4x)