tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak

Sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot

Sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang 'yong ganda

Kasabay rin ng hanging kumakanta

Ma'ri bang huwag ka nang, sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na

Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo