pula


Napapansin mo ba
Ang araw ay pula
Tumingala ka kaya
Nang iyong makita

Napapansin mo ba
Ang ilog ay natutuyo din lang
Pag wala ng ulan
Tulad ngayon

Naririnig mo ba
Mga ibon ay nagaawitan
Sila'y umiiyak
Tuwing minsan

Di nawawala
Laging nasa isipan kita
Sana'y masaya
Ngayong nag-iisa

Kumusta na kaya
Naglalaro pa ba
Ikaw ba ay nakikinig
Tila ako'y linalamig na rin

Pagka't paulit-ulit lang
Eto na naman
Di ka ba nagsasawa
Di ka ba nadadala

Huwag na isipin
Huwag na pilitin
Huwag na ulitin
Makalimutan ba?

Pag alaala
Dala ng araw, ng ulan