alkohol


Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog
Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong, meron ding sumisigaw
Meron pang nag-iingles na parang kanong hilaw
Bigla na lang natutulala, umiiyak, tumatawa
Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera
Sumusuray pag lumakad, nadadapa, nauuntog
Pag dinalaw ng antok, kahit saan natutulog
May taong naggagalas na parang luko-luko
Kung saan ka man abutin, CR mo buong mundo

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (2x)

Alkohol, alkohol, alkohol!

Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi,
Nasusuka, kumakanta, napapraning sa isang tabi
Kaya ko pa, kaya ko pa, yan ang laging sagot niya
Nanaginip ng gising pumupungay ang mata
Konting alak nalulunod lumalakas ang loob
Umeekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob
Labu-labo, sari-sari, may naghahanap ng away
Binabangungot ng gising meron ding namamatay
Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang
Umiikot ang tingin utak mo'y kinakalawang

 

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (2x)

Alkohol, alkohol, alkohol!

 

Lumiliwanag,dumidilim,nadadapa, nauuntog
Pag dinalaw ng antok, kahit saan natutulog
Bukas may hang-over ka paggising masakit ang ulo
Paano ba ko nakauwi shet kailangan ko ng yelo

 

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (4x)

Alkohol, alkohol, alkohol!