68 dr. sixto antonio ave


Isang pulis na nangingikil

Upang may pambili ng beer

Bisikletang paru-paro

Animnapu't walo

Sumemplang sa kanto

 

Pag may bagyo'y lunod sa luha

Nagbabaha sa kalsada

Isang gabing maulan

Aking napagmasdan

Nagtatakbuhan

 

Dalawang nakaitim

Isang may hawak na patalim

May galit ang kanyang mukha

Sa pagkidlat ay nawala

Nangyari ay ano kaya

 

(voiceover first 2 stanzas)

68 dr. sixto antonio ave

Hulog ka ng Langit

Gumising ka na

 

Isang bulag na motorista

May nabaril sa kalsada

Masagi na ang lola

Huwag lang daw ang auto niya

Lakas tumawa

 

Tuloy-tuloy ang panaginip

Maghihintay na lang ng jeep

Nakakabulag ang ilaw

Libu-libong sumisigaw

Lumipad ang araw

 

Di mo na napapansin

Mga naghuhukay sa dilim

Araw-araw, buwan-buwan

Sumisikip na ang daan

Wala ka ng mapuntahan

 

Hindi malaman kung saan

Hindi ko malaman kung saan